-- Advertisements --

NAGA CITY – Lumalayo na ang pangunguna ng China sa pagdating sa medal tally sa nagpapatuloy na Summer Paralympics Games sa Tokyo, Japan.

Sa report ni Bombo international news correspondent Miles Beltran, mula sa nasabing bansa, iniulat nito na sa kasalukuyang medal tally, mayroon ng 21 gold medals na ang nakuha ng mga atleta ng China.

Sumunod sa tally ang Great Britain na mayroong 12 golds medal, habanga ng Russia ay may 11 medalyang ginto at US ay siyam na gold.

Kaugnay nito, hindi naman pinalad na makaabanse pa sa patimpalak ang pambato ng Pilipinas sa swimming na si Gary Bejino na tubong Albay.

Dagdag pa ni Beltran, wala ring pinapayagan na makapanood ng nasabing torneyo dahil na rin sa pandemya.

Samantala, nagsimula ang nasabing patimpalak ng Agosto 24 at magtatapos hanggang September 5, 2021.