Makalipas ang anim na taon mula ng 2016 The Hague ruling, patuloy pa rin na iginigiit ng China na illegal, null at void ang naging desisyon ng tribunal.
Sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin na ang desisyon ng tribunal ay labag sa international law kabilang ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Giit nito na hindi kinikilala ng China at kailanman ay hindi nila tatanggapin ang anumang claim o aksiyon base sa award na nagpapawalang-bisa sa nine-dash claims ng Beijing sa pinag-aagawang karagatan kung saan ilan sa bahagi nito nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas at continental shelf.
Una rito, nakapaghain ng nasa mahigit na 200 diplomatic protests na ang Pilipinas laban sa China simula noong 2016 dahil sa pagtanggi ng naturang bansa na kilalanin ang arbitral award.
-- Advertisements --