-- Advertisements --

Mariing pinabulaanan ng China na humingi sa kanila ng tulong ang Russia para labanan ang Ukraine.

May kaugnayan ito sa ipinakalat ng US na usapin na tutulungan umano ng China ang Russia sa paglaban sa Ukraine.

Sinabi ni Chinese foreign minister Zhao Lijan na nagpapakalat umano ng maling impormasyon ang US na tinatarget sila.

Mayroon umanong malisyosong intensiyon umano ang US sa kanila.

Nanindigan naman si Dmitry Peskov ang tagapagsalita ni Russian President Vladimir Putin na kaya nilang mag-isang labanan ang Ukraine.