-- Advertisements --
Naglabas ng travel warning ang China sa mga mamamayan nito lalo na ang mga magtutungo sa Estados Unidos.
Sa inilabas na advisory ng China, pinag-iingat nila ang kanilang mamamayan sa mga police harassment at krimen dahil sa tension sa dalawang bansa.
Ayon pa sa foreign ministry ng China, ilan daw sa ginagawang harassment ng US ay ang pagsasagawa nila ng on-site interviews sa immigration office ng US sa mga mamamayan nila na nais nilang bumisita sa Estados Unidos.
Magugunitang ginagamit ng China ang tourism bilang armas sa naging problema sa ilang bansa gaya ng South Korea, Japan at Pilipinas.
Nagbunsod ang tension sa dalawang bansa dahil sa pagpapataw ng trade sanctions ng US sa China.