-- Advertisements --

Pinagbawalan ng China ang barkong pang-giyera at anumang uri ng sasakyang panggiyera ng US na magtungo sa Hong Kong.

Kasunod ito ng pagpapakita ng US ng suporta sa mga nagsagawa ng kilos protesta sa Hong Kong.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokeswoman Hua Chunying, na dahil sa naging pag-uugali ng US nagdesisyon ang China na pagbawalan ang mga US military ship at aircrafts na bumisita sa Hong Kong.

Inanunsiyo din nito na magpapataw ang Beijing ng sanctions sa ilang mga non-governmental human rights organizations ng US na nagmomonitor at nag-uulat sa mga nagaganap na kilos protesta sa Hong Kong.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay pinirmahan ni US President Donald Trump para tuluyan ng maging batas ang Hong Kong Human Rights and Democracy Act.

Ang nasabing batas ay nag-aatas sa US na magpatupad ng sanctions o susependihin ang special trading status ng Hong Kong dahil sa paglabag.