Inutusan ng China ang mga airline nito na huwag munang mag-order ng karagdagang Boeing jets, bilang tugon sa bagong 145% na taripa na ipinataw ng Estados Unidos sa mga produktong galing China.
Ayon sa mga ulat apektado nito ang planong paghahatid ng dose-dosenang eroplano sa mga pangunahing airline ng China tulad ng Air China, China Eastern, at China Southern mula 2025 hanggang 2027. Iniulat din na ipinahinto ng Beijing ang pagbili ng mga piyesa ng eroplano mula sa U.S.
Bagamat hindi pa kumpirmado kung may opisyal na pagbabawal sa pagbili ng mga aircraft parts, ngunit nababahala naman ang mga analyst dahil sa posibleng maging epekto nito sa programang C919 ng China, na umaasa sa mga parts na nanggagaling mula Amerika.
Bagamat limitado ang agarang epekto sa Boeing maaaring ilipat ang mga eroplano sa ibang airline.
Tinatayang aabot sa mahigit $650 billion ang halaga ng mga produktong apektado sa pagitan ng dalawang bansa simula noong 2024, na posibleng humantong umano sa mas matagal na pagkaantala sa industriya ng aerospace.