-- Advertisements --
Venezuela team
Venezuela/ FIBA image

Nabigong makausad sa ikalawang round ng FIBA basketball world Cup ang China matapos talunin sila ng Venezuela 75-59 sa knock out game sa Group A.

Labis na nalungkot ang mga nanood na fans sa Wukesong Arena sa Beijing matapos na sila ay pinataob ng ranked number 20 na Venezuela.

Ang ranked number 30 kasi na China ay may tatlong seven-footers na players na sina Yi Jianlian, Zhou Qi at Wang Zhelin.

China Team
China team/ FIBA image

Aminado si Chinese coach Li Nan na tila hindi sila nakapag-move-on sa pagkatalo nila sa Poland sa overtime game 79-76.

Plano naman ni dating Houston Rockets star Yao Ming na ngayon ay namumuno ng Chinese Basketball Association noong mula 2017 na baguhin ang sistema ng kanilang national team.