-- Advertisements --

Pinapakansela ng China ang pagbebenta ng Estados Unidos ng armas sa Taiwan.

Ayon kay foreign ministry spokesman Geng Shuang, na naghain na sila ng diplomatic channels para kontrahin ang nasabing plano.

Dagdag pa nito na ang nasabing plano ng US ay magdudulot ng kaguluhan sa rehiyon at isang paglabag sa tinatawag na one-China principle.

Nagbanta pa ito na magkakaroon ng lamat ang relasyon ng US at China.

Taong 1949 ng humiwalay ang Taiwan sa China subalit ipinagpipilit pa rin ng Beijing na bahagi pa rin nila ang Taiwan.

Magugunitang kabilang sa $2.2 billion arms deal ay ang pagbebenta ng mga 102 Abram tanks at 250 Stinger portable anti-craft missiles.