Hindi nagustuhan at tila nasaktan ang damdamin ng China sa naging pahayag ng Pilipinas at Japan sa ginanap na trilateral summit sa Washington DC hinggil sa mga aksyon nito sa West Philippine Sea at Indo-Pacific region.
May kaugnayan ito sa mga naging negatibong komento at pahayag nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishida patungkol sa China, partikular na sa mga aksyon nito sa West Philippine Sea.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Mao Ning, ang mga pahayag na ito mariing tinututulan at tinutuligsa ng kanilang bansa.
Aniya, ayos lamang na mag-develop ng relasyon sa iba pang mga bansa ang Japan at Pilipinas ngunit hindi aniya tama na magsagawa ang mga ito ng factional opposition sa rehiyon na magkakasakit at makakapinsala sa interest ng ibang bansa.
Dahil dito ay pinulong ni Chinese Foreign Ministry Liu Jinsong Sina Japanese Embassy official Akira Yokochi at Philippine Ambassador to Japan Jaime FlorCruz para ilatag ang mga negatibong naging pahayag ng mga leader ng dalawang bansa laban sa China sa naging pagbisita ng mga ito sa Washington DC.