-- Advertisements --

Pinuna ng Chinese military ang pagdaan ng barko ng Estados Unidos sa Taiwan Strait dalawang linggo na ang nakakalipas.

Sa statement inakusahan ng China Eastern Thearter Command spokesman, Navy Senior Capt. Li Xi ang Estados Unidos na tila napapansin ito nang dumaan ang United States destroyer na USS Halsey sa naturang lugar kamakailan lang.

Dahil dito ay nagdeploy ng Naval at air forces ang China para i-monitor ang naturang barko nang naaayon aniya sa kanilang laws and regulations.

Dito aniya ay namataan ng China na nagsagawa ng routine sa Taiwan Strait transit ang USS Halsey sa katubigan kung saan mayroong high-seas freedoms ng navigation at overflight apply alinsunod sa international law.