Suspecha ng isang mambabatas na matagal ng nagsasagawa ng malalimang intelligence gathering ang China sa karagatan ng Pilipinas.
Ito’y matapos narekober ang isang submersible drone sa karagatan ng Masbate nitong Lunes na pinaniniwalaang pag-aari ng China.
Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers malaki ang posibibilidad na matagal ng nagsasagawa ng intel monitoring sa ating karagatan ang China at posible kasama dito ang mga datos hinggil sa deuterium.
Paliwanag ni Barbers ang deuterium ay malawak na ginagamit sa prototype fusion reactors at mayruon itong application na magagamit para sa military; industrial at scientific fields.
Ayon sa Kongresista sa nuclear fusion reactors ginagamit ito bilang tracer o tagasubaybay at responsable sa pagbagal sa neutrons sa mga heavy water moderated fission reactors.
Binigyang-diin ni Barbers dahil sa lumalaking pandaigdigang karera upang makahanap ng mga nababagong mapagkukunan ng gasolina o enerhiya tulad ng deuterium na matatagpuan lamang sa malalim na dagat sa eastern seaboard ng bansa hindi malayo na nais din ng China na makuha ito.
Ang narekober na China underwater drone na may markang HY-119 ay tumutukoy sa isang underwater navigation at communication device na nagbibigay daan sa mga underwater vessel na makipag ugnayan sa mga surface unit o satellite at magpadala at tumanggap ng data, voice message at navigation information.
Sinabi ni Barbers nakakabahala ang mga ganitong aksiyon ng China