-- Advertisements --
rare earth

Muling nagbanta ang Beijing sa Estados Unidos na kaya nitong pasabugin ang produksyon nito ng F-35 stealth fighter jets at tuluyang wasakin ang kabuuan ng Silicon Valley.

Ito ay matapos di-umano’y maliitin ng United States ang kakayahan ng China na labanan ang kanilang pwersa.

Dagdag pa nito, marami silang paraan upang gumanti sa US kabilang na rito ang biglaang pagtigil nila na supplyan ang nasabing bansa ng rare earths.

Ang rare earth ay grupo ng 17 chemical elements na naglalaman ng major ingredients na ginagamit sa produksyon ng kanilang satellites at jet engines.