Salitang idineploy ng People ‘s Liberation Army Navy ang isang warship na may anti-submarine capabilities at surveillance vessel nito para buntutan o imonitor ang ginagawang Balikatan drills ng PH, US at France sa West Philippine Sea.
Bandang alas-6 ng umaga nitong linggo namataan ang PLA Navy vessel 570 o kilala din bilang Chinese frigate Huangshan na nagmomonitor sa naval convoy sa Balikatan exercise 50 nautical miles kanluran ng Palawan.
Ayon kay Commander Marco Sandalo, commanding officer ng BRP davao del Sur, walang inisyu na radio challenge ang China dahil medyo malayo ang distansya bg Chinese navy vessel na nasa 9 nautical miles.
Makalipas naman ang 9 na oras, pinalitan ng surveillance vessel 7923 ng PLA Navy ang warship at nagpatuloy sa shadowing operations nito.
Ayon kay Commander Sando, pasulput-sulpot saka biglang mawawala ang presensiya ng Chinese Navy vessel.
Ang galaw na ito ng Chinese vessel ay kanila din umanong ipinapaalam sa kanilang headquarters.
Sa kabila ng presensiya ng Chinese vessel sa lugar, sinabi ni Commander Sandalo na ligtas at matagumpay ang kanilang isinagawang mga aktibidad kabilang ang maritime search and rescue exercise.