-- Advertisements --
china loan for covid vaccine access

Nangako ang China na magpapadala ng milyon-milyong coronavirus vaccine na nagsagawa ng last-stage trials para sa mga nangungunang kandidato.

Pinangako rin ng mga Chinese leaders na prayoridad nilang maka-access sa kanilang bakuna ang mga developing countries.

Ang nasabing global campaign ay ginagawa umano ng China bilang oportunidad sa pagsasaayos ng kanilang imahe lalo pa’t sa Wuhan, China nagsimula ang deadly virus.

Umaasa ang bansa na sa pamamagitan nito, maibsan o matapos na ang naranasang pandemya ng buong mundo.

Ang mga bakuna ay maaari ring gamitin ng Beijing bilang “isang instrumento para sa foreign policy upang itaguyod ang soft power nito at project international influence.

Sa larawan na inilabas ng bansa, makikita sa loob ng isang gray warehouse sa Shenzhen International Airport sa southern China ang mga climate-controlled rooms na punong-puno ng mga Chinese-made COVID-19 vaccines. (with reports from Bombo Jane Buna)