Sinabihan ng China ang Pilipinas na tiyaking magagawa pa rin ng kanilang diplomats na nakabase dito sa bansa ang kanilang tungkulin sa gitna ng mga panawagan mula sa mga opisyal ng gobyerno na i-expel ang Chinese diplomat sa likod ng wiretapping sa pag-uusap kasama ang senior military official ng PH.
Tinutukoy rito ng China ang new model agreement sa West PH Sea na umano’y sinang-ayunan umano ng panig ng PH.
Ginawa ni Chinese Foreign Ministry spokesman Lin Jian ang naturang pahayag matapos na hikayatin nina Department of National Defense (DND) Secretary Gibo Teodoro at National Security Adviser Eduardo Año ang Department of Foreign Affairs para palayasin mula sa bansa ang diplomat na iligal na nag-record ng pag-uusap sa telepono ng China kasama ang AFP-Western Command chief.
Hiniling din nito sa PH na itigil na aniya ang mga probokasyon at mga paglabag.
Ang panibagong alegasyon ng China ay nag-ugat ibinahaging recording ng Chinese embassy noong Mayo 7 na naglalaman ng umano’y phone call sa pagitan ng AFP-Western Command chief at isang Chinese diplomat kung saan nagkasundo umano ang mga ito sa 4 na punto na inilatag sa ilalim ng new model deal para sa pangangasiwa ng maritime dispute sa WPS.
Subalit hindi pa makumpirma kung ang naturang recording ay totoo o deepfake audio lamang.
Sinabi naman ni DND chief Teodoro na kung talagang nirekord ng China ang nasabing pa-uusap, ito aniya ay paglabag sa batas ng PH.