-- Advertisements --

Sinibak ng mga provincial authorities sa Shandong, China ang dalawang matataas na opisyal ng siyudad ng Qixia kasunod ng nangyaring pagsabog sa isang minahan ng ginto sa lugar na nagdulot ng pagkawala ng 22 manggagawa.

Ayon sa state media, nagpasya ang Shandong provincial government na tanggalin sa kanilang puwesto sina Qixia Communist Party Secretary Yao Xiuxia at Deputy Secretary Zhu Tao, na nagsilbi ring mayor.

Uupo pansamantala bilang Qixia party secretary si Li Bo, deputy mayor ng Yantai, na siyang nangangasiwa sa Qixia.

Sinabi naman ni Li na iimbestigahan at parurusahan ng mga otoridad ang mga responsable sa aksidente, na hindi ini-report 30 oras matapos itong mangyari.

Ang minahan ay ino-operate ng Shandong Wucailong Investment Co Ltd. (Reuters)