-- Advertisements --
Matagumpay na inilunsad ng China ang kanilang rockets na patungo sa planetang Mars.
Isinagawa ito sa paglunsad ng Long March 5 rocket na may dalang Shijian 20 test satellite sa Wenchang launch site sa southern Hainan.
Aabot sa mahigit 2,000 segundo na lumipad ang nasabing rockets.
Isa ang nasabing rocket launch para sa mga makabagong space mission.
Layon ng Long March 5 rocket ang kauna-unahang Mars exploration at Change-5 lunar at core module para sa manned space station.
Kung maalala ang NASA ng Amerika ay may ganito ring uri ng space mission sa Mars.