-- Advertisements --
Inakusahan ng China ang US sa pagiging ‘over-acting’ sa pagpapatupad ng travel restrction matapos ang pagkalat ng coronavirus.
Ito ay matapos na magpatupad ng level 4 travel ban ang US sa China.
Naghigpit din ang US sa lahat ng mga paliparan para sa mga nais na pumasok sa US.
Ayon sa tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry na duda sila sa ipinapatupad na paghihigpit ng US sa kanila.
Itinuturing din aniya na paglabag sa kanilang civil rights ang pagbabawal sa mga Chinese na magtungo sa US.
Dumepensa naman ang US at sinabing kaya sila naghigpit ay dahil sa ipinatupad na ng World Health Organization na isa ng international concern ang nasabing 2019 novel coronavirus.