-- Advertisements --

Sumali na ang China sa COVAX vaccine group na pinapangunahan ng World Health Organization (WHO).

Layon kasi ng COVAX na mabigyan ng mga bakuna laban sa coronavirus ang mga mahihirap na bansa sakaling nakagawa na ang mga mayayaman na bansa.

Sinabi ni Chinese foreign ministry spokeswoman Hua Chunying na isang karangalan ang matulungan ang nakakarami sa paglaban sa COVID-19.

Hindi naman nito binanggit ang halaga ng ibibigay para sa nasabing COVAX.

Magugunitang naglilikom ng $2 billion ang COVAX para mabigyan ng libreng COVID-19 vaccine ang 92 low and middle-income countries.