Nagbabala ang US Federal Bureau of Investigation sa posibilidad nang pakikialam ng China bilang hakbang nito para nakawin ang resulta sa isinasagawang pag-aaral ng mga firms at institusyon sa Estados Unidos.
Nanawagan din ang FBI sa bawat bansa na i-update ang kani-kanilang computer software at gumawa ng ID checks sa mga empleyado at bisita upang hindi mabilis makuha ang mga importanteng impormasyon.
Inilabas ng naturang ahensya ang babalang ito kasabay ng pananaliksik ng iba’t ibang bansa sa vaccine laban sa virus at upang magsilbing gamot sa nasabing sakit.
Hindi naman pinangalanan ng FBI kung anong Chinese organization ang pinaniniwalaan nitong sangkot sa di-umano’y tiwaling gawain.
Isa sa mga pharmaceutical company na nagdevelop ng remdesivir, gamot na ginagamit para pagalingin ang mga COVID-19 patients, ang nakaranas ng cyberattack.
Hinihinalang responsable sa naturang insidente ang mga hackers mula Iran.
Una nang sinabi ng administrasyon ni US President Donald Trump na malaki ang danyos sa Amerika ng ginagawang cyberattacks at espionage ng China.