-- Advertisements --

Target ng China na maturukan ng COVID-19 vaccine ang nasa 50 milyon nilang mamamayan bago ang pagsisimula ng lunar new year sa unang bahagi ng 2021.

Nakatakda kasing ibahagi ng China ang 100 milyon doses ng two-dose inactivated vaccines mula sa kompaniyang Sinopharm at Sinovac.

wuhan

Inabisuhan na rin ng centers of disease control and prevention sa bansa ang mga pagamutan ukol sa nasabing usapin.

Posibleng matapos ang unang batch ng 50 milyon sa Enero 15 at ang pangalawa ay sa Pebrero 5.

Magsisimula kasi ang isang linggong week long holiday sa Pebrero 11.