Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga fans ang ginawang pagtanggal ng China sa halos 10 eksena na may gay references mula mula sa Oscar-winning biopic “Bohemian Rhapsoidy” na tungkol sa Bristish rock musician Freddie Mercury.
Hindi naman kaagad nagbigay ng komento dito ang China Film Administration.
Hindi illegal ang homosexuality sa China ngunit may mga aktibistang nagsasabi na ang konserbatibong pag-uugali ay isa sa mga rason kung bakit unti-unting bumabagsak ang kanilang gobyerno.
Ang nasabing pelikula ay tungkol sa lead singer ng British rock band na ‘Queen’ kung saan ipinakita ang kasikatan nito at ng kanyang banda noong 1970, pati na rin ang highlight ng kanilang performanc sa London noong 1985.
Kumita ito ng 50 million yuan ($8 million) simula ng ipalabas ito sa mga Chinese arthouse.