Tinawag ng China na “extremely dishonorable” ang papel ng Estados Unidos sa ginagawang pagtulong nito sa ating bansa kaugnay sa mga isyu na may kinalaman sa West Philippine Sea.
Ito ang inihayag ng Chinese Foreign Ministry bilang tugon sa kamakailan lang na naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kasagsagan ng Shangri-La Dialogue kung saan mariin nitong kinondena ang mga ilegal at agresibong aksyon ng China sa naturang pinag-aagawang bahagi ng karagatan.
Ayon sa foreign ministry ng China, malinaw umano kung para kanino nagtatrabaho ang Pilipinas pagdating sa Foreign policy nito at gayundin sa kanilang maritime operations.
Samantala, kasabay nito ay Inihayag naman ng naturang bansa na handa silang magpatuloy sa pagtatrabaho kasama ang iba pang mga bansa na kabilang sa ASEAN tulad ng Pilipinas na layuning tugunan ang pagkakaiba-iba, gayundin sa Sea-related cooperation.