-- Advertisements --
Nakatakdang magbigay ng donasyon na karagdagang two million doses ng Sinovac vaccines ang Chinese government sa Pilipinas.
Inanusiyo ito ni Chinese Ambassador Huang Xilian kung saan inaasahang darating sa susunod na linggo ang mga bagong suplay ng Sinovac.
Kung mangyari ito, nasa 57 million na ang bilang ng vaccine doses na natanggap ng bansa mula sa China sa pamamagitan ng donasyon at procurement.
Ayon sa Chinese envoy na ang mga bakuna ng China ay hindi lamang ang naunang COVID-19 vaccine na dumating sa bansa kundi ito rin ang naging pangunahing source ng vaccination sa Pilipinas.
Kinilala naman ni Huang ang pagsisikap ng bansa para mapigilan ang paglaganap ng virus at malaking tagumpay sa paglaban sa pandemiya.