-- Advertisements --
Inaresto ng China ang Australian TV host dahil umano sa pang-iispiya.
Si Cheng Lei ay ilang buwan ng nakakulong sa China matapos na ito ay nagbibigay ng mga state secrets sa ibang bansa.
Isang TV presenter si Cheng sa Chinese state media outlet na CGTN.
Ginarantiyahan naman ng China ang legal na karapatan ni Cheng.
Umaasa naman si Chinese ministry spokesman Wang Wenbin na hindi makikialam ang Australia sa kaso ni Cheng.
Magugunitang noong Agosto ng hindi na nakita pa si Cheng kung saan inanunsiyo ng China hawak nila ito ay iniimbestigahan dahil sa national security concern.