-- Advertisements --

Tiniyak ng China na sila ay gaganti kapag pinarusahan sila ng US dahil sa pagpapatupad nila ng sedition law sa Hong Kong.

Sinabi ni foreign ministry spokesman Zhao Lijian, na kapag tuluyang nakialam sa US sa anumang ipinapatupad na hakbang ng China ay hindi sila magdadalawang isip na gumanti.

Magugunitang maraming inalmahan ng residente ng Hong Kong ang panukalang security law ng China.

Nagbanta rin ang US na sila ay magpapataw ng sanctions sa China kapag ipinilit ang nasabing batas.