-- Advertisements --

Tiwala ang isang mataas na opisyal ng China na matatauhan din ang Taiwan at ito ay kusang babalik sa kanila.

Sinabi ni State Councilor at Foreign Minister Wang Yi na ang kasalukuyang tension sa gobyerno ng Taiwan ay ang pagtatangka nila na umasa na lamang sa US para sa kanilang kalayaan.

Sinasamantala rin ito ng US at ibang bansa na gamitin ang Taiwan para makontrol ang China.

Nauna nang ipinagpipilit pa rin ng China na bahagi pa rin nila ang Taiwan.

Ikinagalit din nila ang ginagawang pagdepensa ng US at ibang bansa sa Taiwan.