-- Advertisements --
Tiniyak ng China na hindi nila papalampasin ang ginagawang pagtulong ng US sa Taiwan.
Kasunod ito sa pag-apruba ng US ng $2-bilyon na arms sale package sa Taiwan.
Kinabibilangan ito ng mga surface-to-air missile systems at radar bilang paraan para matapatan ang tumataas na military power ng China sa Asia Pacific.
Ayon sa Foreign Minstry office ng China na ang ginawa na ito ng US ay isang paglabag sa soberanya nila.
Gagawin aniya nila ang lahat ng makakaya para mapanagot ang US.
Magugunitang ipinagpipilitan pa rin ng China na bahagi pa rin ng kanilang bansa ang Taiwan.