Tumangging magbigay ng aircraft parts sa mga Russian airlines ang China matapos na itigil ng Boeing at Airbus ang pagsusupply ng components sa Russia.
Ito ay sa kabila nang ginagawang panggigipit ng Western countries sa aviation sector ng Russia sa pamamagitan ng mga parusang ipinataw nito sa bansa dahil sa pananalakay nito sa Ukraine.
Ayon kay Rosaviatsia official Valery Kudinov, dahil dito ay maghahanap na lamang ang Russia ng mga aircraft parts mula sa iba pang mga bansa tulad ng Turkey at India.
Nagrerehistro na rin aniya sa ngayon ng kanilang mga eroplano ang mga Russian company
Sinabi rin niya na ang mga kumpanya ng Russia ay nagrerehistro ng kanilang mga eroplano at marami sa mga ito ay nakarehistro sa ibang bansa, pagkatapos ng mga parusa ng U.S. at European Union sa aviation at inaasahan niyang ibabalik ang iba sa mga kumpanya sa pagpapaupa.
Samantala, ipinakita sa isang draft law ang plano ng gobyerno ng Russia na utusan ang mga domestic airline na magbayad para sa naupahang aircraft sa rubles.
Nakasaad din dito na maaari nitong hadlangan ang pagbabalik ng mga eroplano sa mga foreign companies kung kanselahin ng mga ito ang mga pagpapaupa.