Kinumpirma ng defense department na hanggang sa ngayon wala pa ring tugon ang China sa equipment request ng Pilippines na bahagi ng $14 million grant sa bansa.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, na kanila ng naibigay ang listahan ng mga Chinese weapons pero dalawang buwan na ay wala paring tugon ang China.
Ang $14-million dollar grant ay ipinagkaloob ng China sa Pilipinas noong Disyembre bilang tulong sana sa kampanya ng militar laban sa terrorismo at illegal na droga.
Ang kailangan lang aniyang gawin ng Pilipinas ay piliin kung ano ang mga gusto nitong gamit na may kabuuang halagang hindi hihigit sa 14 million dollars, mula sa listahan ng available na kagamitan ng China, at agaran umanong idedeliver na ito sa bansa.
Kabilang sa gustong kunin ng DND ay maliliit na fast boats na pwedeng gamitin sa paghabol sa Abu Sayyaf Group at mga drones na maaaring gamitin ng tactical units.
Kailangan din aniya ng mga tropa ang armored bomb disposal robots na isang uri ng remote-controlled unmanned-vehicle na pwedeng mag-recover at magpasabog sa isang bomba na hindi malalagay sa panganib ang mga bomb-disposal personnel.
Partikular na interesado, aniya ang DND sa mga sniper rifles na naibabaling ang direksyon ng barrel para hindi direktang nakikita ng kalaban ang sundalo.
Pahayag ng kalihim na kasalukuyan hinihintay pa ng Pilipinas ang tugon ng China sa naturang equipment request.