Tiniyak ng China na hindi ito nagsisimula ng anumang kaguluhan sa buong mundo.
Ito ay kahit na inakusahan sila ng US na sila ang nagpakalat ng coronavirus sa buong mundo.
Sa kaniyang talumpati sa virtual United Nation General Assembly, sinabi ni Chinese President Xi Jinping na dapat ang mga world leaders ay huwag hayaang mahulog sa banta ng kaguluhan.
Tanging ang pagkakaisa aniya ang kasagutan para maibsan ang kaguluhan sa buong mundo.
Pinabulaanan din nito ang akusasyon na nagpapalawak sila ng lupain sa pamamagitan ng pagsakop sa malaking bahagi ng South China Sea.
“No country has the right to dominate global affairs, control the destiny of others, or keep advantages in development all to itself. Even less should one be allowed to do whatever it likes and be the hegemon, bully or boss of the world. Unilateralism is a dead end,” ani President Xi.
Samantala, inungkat din naman ni Xi ang isyu sa COVID crisis na nagsimula sa kanilang bansa.
Nanawagan ito ng “global response” kung saan kanyang binigyan nang pagkilala ang WHO.
Kung maalala mismong si US President Donald Trump ang nagdeklara sa balakin nilang kumalas sa WHO.
“Facing the virus, we should enhance solidarity and get through this together,” wika pa ni Xi. “We should follow the guidance of science, give full play to the leading role of the World Health Organization, and launch a joint international response to beat this pandemic. Any attempt of politicising the issue, or stigmatisation, must be rejected.”