-- Advertisements --

Walang karapatan ang China na pagbawalan ang Philippine Coast Guard na magsagawa ng pagpapatrolya sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana, na walang basehan ang China sa pag-angkin nila ng nine-dash line dahil ito ay na papaloob sa 1982 United Nation Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Reaksyon ito ng kalihim sa naging pahayag ng China na dapat tapusin na ng Pilipinas ang pagsasagawa ng maritime exercise sa pinag-aagawang lugar.

Iginiit pa ng kalihim na ang China ang nagpapa-kumplikado ng kalagayan sa nasabing lugar.