-- Advertisements --
Ikinadismaya ng mga prostesters sa Hong Kong ang naging pahayag ng actress na si Liu Yifei na suportado niya ang mga kapulisan.
Sa kaniyang social media post tahasang sinabi nito kahit siya ay atakihin ng mga protesters ay hindi pa rin magbabago ang pagsuporta sa kapulisan.
Tinawag pa nito na talagang nakakahiya ngayon ang Hong Kong.
Dahil sa nasabing pahayag ay maraming mga protesters ang nagsabing i-boycott o huwag ng tangkilikin ang bagong pelikula ng actress na “Mulan.”
Si Liu ay sikat na artista sa China at naturalized citizen ng United States.
Lumabas din ito sa mga Hollywood movie na “Outcast” na pinagbibidahan ni Nicholas Cage.