Pangulong Marcos, pinatawag ang Chinese envoy kasunod ng mga aksiyon ng China coast guars sa Philippine Coast Guard at Filipino fishermen (bbm / huang xilian / laser incident)
Inaasahan nang ilalabas ng palasyo ng Malacanang ang detalye ng naging pag-uusap nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Chinese Ambassador Huang Xilian.
Una rito, inanunsiyo ng Presidential Communications Office (PCO) na pinatawag daw ni Pangulong Marcos ang Chinese Ambassaror para iparating ang kanyang seryosong concern dahil sa dumadaming frequency at intensity na aksiyon ng China laban sa mga personnel ng Philippine Coast Guard at mga mangingisdang Pinoy.
Ang pinakahuling insidente ngang kinasasangkutan ng China ay ang paggamit ng mga ito ng military-grade laser laban sa Philippine Coast Guard vessel habang nasa kalagitnaan ang mga ito ng resupply mission para sa mga tropa ng pamahalaan na nakapuwesto sa Ayungin Shoal.
Kung maalala, naghain na rin ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng protesta laban sa naturang insidente.
Sa inihaing protest ng DFA sa Chinese Embassy dito sa Maynila kahapon, kinondena nito ng harassment, mapanganib na pag-maniobra, pagtutok ng military-grade laser at illegal radio challenge ng Chinese Cost Guard vessel 5205 laban sa Philippine Coast Guard vessel na BRP Malapascua na nangyari noong Pebrero 6 ng kasalukuyang taon.
Ayon pa sa DFA, ang naging aksiyon ng Chinese Coast Guard laban sa Philippine vessel ay banta sa soberanya at seguridad ng bansa bilang isang estdo at pnghihimasok sa ating sovereign rights at hurisdiksiyon sa exclusive economic zone ng Pilipinas.
Iginiit din ni DFA spokesperson Ma. Teresita Daza na mayroong prerogative ang Pilipinas na magsagawa ng mga lehitimong aktibidad sa loob ng exclusive economic zone at continental shelf at walang law enforcement rights o kapangyarihan ang China sa loob at labas ng Ayungin shoal o anumang bahagi ng EEZ ng Pilipinas.
Kaugnay nito, nagpahayag din ng suporta ang Aemrika para sa Pilipinas na matagal ng kaalyado nito laban sa harassment at tinawag ang naging hakbang ng China na isang provocative at hindi ligtas.
Binigyang diin din ng US na ang anumang armadong pag-atake sa armed forces ng Pilipinas , public vessels o aircrft kabilang ang Coast Guard sa West Philippien Sea ay maguudyok sa US mutual defense commitments nito salig sa ilalim ng Article 4 ng 1951 US Philippines Mutual Defense Treaty.