-- Advertisements --
Nagbabala si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa US dahil sa pakikialam daw nito sa problema sa South China Sea.
Inakusahan pa nito ang US na ibinabaling sa “geopolitical game” ang nagaganap na territorial at maritime row.
Sinabi nito na ang China at mga bansa sa ASEAN ay nagdodoble kayod para maayos ang problema sa South China Sea.
Ang nasabing reaksyon ay nagbunsod sa pahayag ni US Secretary of State Mike Pompeo at Assistant Secretary David Stilwell ng Bureau of East Asian and Pacific Affairs na inakusahan ang China na gumagawa na ng maritime empire sa pinag-aagawang isla sa South China Sea.