Nagpulong sina Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian at Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Andres Centino kasunod ng kamakailan lang na isyu sa bahagi ng Ayungin Shoal kung saan tinutukan ng Chinese Coast Guard ng military grade laser light ang Philippine Coast Guard.
Ito ay matapos ang isinagawang courtesy visit ni Huang sa tanggapan ng Armed Forces of the Philippines sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Sa isang pahayag ay ibinahagi ng Chinese Ambassadro na kabilang sa kanilang ni Centino ang mga usapin hinggil sa military to military exchange at kooperasyon ng Pilipinas at China, at gayundin ang pagpapanatili ng kapayapaan at stability pagitan sa rehiyon.
Kung maalala, nitong February 6 lamang ay muling uminit ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa dahil sa panibagong panghaharass ng mga Chinese coast guard sa mga tauhan ng Philippine coast guard na mariing kinondena ng Armed Forces of the Philippines, at Department of National Defense.
Dahil dito ay ipinatawag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Huang sa Palasyo ng Malakanyang upang ipahayag ang kaniyang pagkabahala sa lumala at dumadalas na hindi magandang aksyon ng China sa mga tauhan ng Philippine Coast Guardt at mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea.