Pinuri ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang Department of Tourism (DOT) sa pagsisikap nitong malugod na tanggapin ang mga turistang Chinese na bumibisita sa bansa.
Ayon kay Huang Xilian, ang paglagda kamakailan ng mga hakbang sa pagpapatupad ng Tourism Cooperation sa pagitan ng Pilipinas at China ay higit na magpapasigla sa mga internasyonal na pagdating ng bansa.
Bago ang pandemya ng COVID-19, ang China kasi ang pangalawang nangungunang mapagkukunan ng turista ng Pilipinas pagkatapos na sundan ng mga mula sa South Korea.
Noong panahong iyon, nakapagtala ang Pilipinas ng 8.26 million all-time high international tourist arrivals kung saan ang China ay nag-ambag ng mahigit 1.7 million na mga turista.
Una na rito, sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na target ng departamento na magkaroon ng 4.8 million international visitors ngayong taong 2023.