-- Advertisements --
Nakakuha ng mga intelligence report mula sa military bases ang Chineses Balloon na lumipad sa himpapawid ng US noong nakaraang Pebrero.
Ito ang kinumpirma ng isang US military official na in-real time ang paglipat nito ng impormasyon mula sa US patungong China.
Kumukuha ito impormasyon sa pamamagitan ng electronic signals imbes na pagkuha ng mga larawan.
Kinontra ito ng ilang US officials at sinabing nagawa nilang malimitahan ang pagkuha ng Chinese balloon ng impormasyon bago nila ito pabagsakin.
Nitong Lunes ay sinabi ng defence department na sinusuri na ng FBI ang mga nakuhang debris mula sa pinabagsak nilang Chinese balloon.