-- Advertisements --
Lumutang na rin ang kontrobersiyal na isa sa pinakamayamang tao sa buong mundo ang Chinese billionaire na si Jack Ma.
Ang may-ari ng kompaniyang Alibaba ay mula pa noong buwan ng Oktubre ay hindi na nakita sa publiko.
Umugong tuloy ang ispekulasyon na may kinalaman ang Chinese government dahil sa pagpapaimbestiga sa kanyang higanteng kompaniya.
Dahil sa paglantad ni Ma agad ding tumaas ang shares of stock ng kompaniya.
Lumantad si Jack sa kanyang pagsasalita sa mga teaachers sa online conference bilang bahagi ng annual event kung saan siya ang host upang kilalanin ang kontribusyon ng mga guro.
Nagpaliwag naman si Ma na kamakailan ay puspusan daw ang kanilang paghahanap ng mga sulusyon upang pag-ibayuhin pa ang education philanthropy.