-- Advertisements --
Muling namataan sa China ang bilyonaryon si Jack Ma.
Ito ang unang pagkakataon na makita ito sa publiko matapos ang halos tatlong taon na pananahimik.
Nakita ang 58-anyos na Alibaba founder sa isang paaralan sa Hangzhou.
Taong 2020 ng naiulat na hindi na ito nagpakita sa publiko dahil sa ipinatupad na crackdown laban sa mga tech enterpreneurs.
Nagtungo pa ito sa Hong Kong kasama ang ilang kaibigan at bumisita sa isang art exhibit doon.
Magugunitang lumabas ang ulat na tumira ng ilang buwan sa Japan si Ma at siya daw umano ay inilagay sa house arrest.