-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng pulisya sa pagbaril-patay ang isang Chinese business man sa Iznart Street, Iloilo City.
Ang biktima ay si Willy Sy, at negosyante ng mga fashion accessories na nagtamo ng sugat na ulo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Francisco Paguia, hepe ng Police Station 1, sinabi nito na naglalakad ang biktima ng biglang nagdeklara ng hold up ang mga suspek kung saan isa ang menor de edad.
Kaagad namang nahuli ang 14 anyos na suspek habang ang isa naman na kasama nito ay nakatakas.