-- Advertisements --

Inaresto ang Chinese-Canadian pop star na si Kris Wu dahil umano sa panggagahasa.

Ayon sa mga kapulisan sa Beijing na maraming lumantad na biktima umano ng panggagahasa ng 30-anyos na popstar.

Isa umano sa reklamo ay naganap nitong Hulyo kung saan ginahasa umano ang isang babae habang ito ay lasing.

Nagreklamo rin ang isang estudyante na si Du Meizhu na base sa post nito sa social media nangyari ang insidente noong siya ay 17-anyos pa lamang.

Aabot sa 24 babae ang lumantad para ireklamo si Wu.

Mariing pinabulaanan naman ni Wu ang nasabing mga alegasyon.

Sumikat si Wu bilang isa sa miyembro ng Korean pop group na EXO hanggang umalis siya sa grupo noong 2014 at nag-solo ng career.