-- Advertisements --

Pormal na inaresto ang Chinese-Canadian pop star na si Kris Wu dahil sa suspicion of rape.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng unang pagkakaaresto nito noong Hulyo 31 ng mga kapulisan sa Beijing.

Unang lumabas ang alegasyon noong nakaraang buwan sa Chinese social media platform na Weibo.

Ibinunyag ni “Du Meizhu” na ang suspek na si Wu Yifan ay minolestiya nito habang lasing ang pop star sa kaniyang bahay.

Ang babae na estudyante sa Communication University ng China sa Beijing kung saang edad 17 pa lamang ito noong nangyari ang insidente.

Si Wu na isinilang sa southern China ay Canadian citizen at sumikat siya ng maging miyembro ng Korean-Chinese pop group na EXO.

Umalis ito sa grupo at nag-solo kung saan gumawa na siya ng sariling pelikula at naging modelo.