Nagkasundo ang dalawang lider ng Kamara de Representantes na patalsikin sa bansa o palitan ang Chinese diplomat na sangkot umano sa pag-wiretap sa umano’y pag-uusap ng isang opisyal ng Chinese embassy at opisyal ng Armed Forces of the Philippines.
Suportado nina Manila Rep. Bienvenido Abante at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang pahayag nina Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. at National Security Adviser Sec. Eduardo Año na paalisin sa bansa ang mga opisyal na sangkot sa wiretapping sa umano’y pag-uusap kaugnay ng bagong kasunduan sa resupply mission sa Ayungin Shoal.
Para naman kay Adiong, chairman ng House Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation, ang opisyal ng Chinese embassy na pumayag n i-wiretap ang pag-uusap ay dapat ding patalsikin sa bansa.
Sinabi naman ni Adiong na ang relasyon ng Pilipinas at China ay hindi lamang sa isyu ng iligal na pagpasok ng mga sasakyang pangdagat nito sa West Philippine Sea.