MANILA – Bumwelta ang Chinese Embassy sa Pilipinas matapos pagsabihan ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang maritime vessels ng Beijing na nasa West Philippine Sea.
Statement by Spokesperson of the Chinese Embassy in the Philippines The Chinese Embassy has taken note of the…
Posted by Chinese Embassy Manila on Saturday, April 3, 2021
Sa isang statement, iginiit ng embahada na parte ng China ang Niu’e Jiao (Julian Felipee Reef) dahil sakop umano ito ng kanilang Nansha Islands.
“The waters around Niu’e Jiao has been a traditional fishing ground for Chinese fishermen for many years,” ayon sa tanggapan.
“The Chinese fishermen have been fishing in the waters for their livelihood every year.”
Ayon sa embahada, normal lang na sumilong ang kanilang mga barko malapit sa bahura, lalo na kung masama ang panahon sa karagatan.
Kaya hindi na raw kailangan magbitaw ng pahayag laban sa naging aktibidad.
“Nobody has the right to make wanton remarks on such activities.”
Nilinaw ng opisina na tapat ang China sa pagtataguyod ng kapayapaan sa paligid ng karagatan.
Umaasa rin daw sila na bubuo ng kongkretong plano ang mga opisyal imbis na magbato ng mga hindi angkop na pahayag.
“We hope that authorities concerned would make constructive efforts and avoid any unprofessional remarks which may further fan irrational emotions.”
Nitong araw nang magbitiw ng mahigpit na salita si Sec. Lorenzana laban sa mga barko ng militar ng China.
Noong Marso kasi nang matuklasan ng Philippine Coast Guard na naka-angkla ang higit 200 Chinese Maritime Militia vessels sa Julian Felipe Reef.
Ang naturang bahura ay sakop ng West Philippine Sea, kung saan may exclusive rights ang bansa.
“I am no fool. The weather has been good so far, so they have no other reason to stay there. These vessels should be on their way out. Umalis na kayo diyan,” ayon sa kalihim.
Sinabi ng Defense chief na kailangan magpaliwanag ng Chinese ambassador sa insidente.
Una nang naghain ng diplomatic protest ang pamahalaan dahil sa nadiskubreng presensya ng China sa naturang bahagi ng karagatan, na pasok sa exclusive economic zone ng Pilipinas.