-- Advertisements --
IMAGE © Twitter | @AnakbayanMagnus

Kinalampag ng iba’t ibang grupo ang tanggapan ng Chinese Embassy sa Makati bilang protesta kasabay ng ika-77 taong paggunita sa Araw ng Kagitingan.

Bitbit ang mga placard at tarpaulin, nanawagan ang mga grupo sa embahada ng China na ipaabot sa kanilang bansa ang hamon na tuluyang lubayan ang mga teritoryo sa West Philippine Sea na pagmamay-ari ng estado.

Pansamantalang nagdulot ng traffic kanina sa kahabaan ng Gil Puyat Avenue ang pagmartsa ng mga kabataan, laborers, kababaihan at iba pa mula Central Fire Station ng Makati patungong Chinese Embassy.

https://twitter.com/AnakbayanMagnus/status/1115443485492912129

Kabilang pa.sa kanilang sigaw, “Atin ang Pinas” kaya dapat umanong lumayas ng West Philippine Sea ang Chinese vessels.

Ilang tumatakbong kandidato rin ang dumalo sa kilos protesta para magpaabot ng parehong posisyon hinggil sa sitwasyon ng dalawang bansa.