-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Magdo-donate umano ang Embassy of the People’s Republic of China to the Philippines ng six all-terrain vehicles (ATVs) para sa patrol and emergency assistance sa isla ng Boracay.

Sinabi ni Peter Tay, liaison officer ng Chinese Embassy sa isla, layunin umano nito na mapabilis ang pagresponde ng mga lifeguards sakaling may drowning incidents, gagamitin sa pagpatrolya sa beachfront at sa iba pang emergency.

Ang environment-friendly ATVs ay nataon para sa nalalapit na summer season kung saan, karamihang nagbabakasyon sa pamosong isla ay ang mga dayuhang Instik.

Nabatid na bago ang Boracay closure noong Abril 2018 ay nag-donate ng 50 sets walkie talkie radios ang Chinese Embassy at noong 2017 ay nai-turn-over din ang isang ambulance unit sa Boracay Fire Rescue and Ambulance Volunteers (BFRAV) sa pamamagitan ng Chinese Counselor and Consul General Lou Gang.