Nagbigay ng donasyon na relief packs ang Chinese Embassy sa Philippine Red Cross (PRC), na ipamamahagi sa mga residente ng National Capital Region.
Tinanggap ni PRC Chairman Sen. Richard Gordon ang nasa 3,500 relief packs na ibinigay ni Chinese Ambassador Huang Xillian sa isang turn-over ceremony na isinagawa sa national headquarters ng Red Cross nitong Biyernes.
Ayon sa Chinese Embassy, tulong ito para sa mga residente ng Metro Manila na sinsikap na bumangon mula sa epekto ng dalawang buwang quarantine dahil sa COVID-19.
Sa panig naman ni Gordon, nagpasalamat ito sa Chinese envoy sa pagbibigay sa kanya ng kinakailangang impormasyon noong Abril kung kailan nasa proseso ang PRC sa pagbuo ng kauna-unahang COVID testing center o bio-molecular laboratory.
“We welcome this donation which would really help the most vulnerable families in Metro Manila who were badly hit by the economic consequences of this pandemic,” wika ni Gordon.