Nanguna sa ginanap na signing of the Deed of Donation si Chinese Embassy, Deputy Police Attaché Zheng Xue at National Bureau of Investigation Director Medargo G. De Lemos.
Ginanap ang seremonya sa NBI Headquarters, V-Tech Tower, G. Araneta Avenue, Sto. Domingo, Quezon City.
Ayon sa Chinese Embassy, layon ng hakbang na ito na palakasin pa ang investigative and intelligence function ng ahensya.
Ipinahayag ni Director de Lemos ang kanyang pasasalamat sa People’s Republic of China sa pamamagitan ng Chinese Embassy para sa donasyon at kinilala ang partnership at koordinasyon sa pagitan ng dalawang (2) bansa, na nagsimula maraming taon na ang nakararaan hanggang sa kasalukuyan, lalo na sa mga operasyon ng pagpapatupad ng batas.
Kaugnay nito ay binigyang-diin ni Director de Lemos ang kahalagahan ng mahusay na personal na relasyon sa pagitan ng dalawang bansa at binanggit na, “may limitasyon ang kagamitan ngunit ang personal na relasyon sa pagitan ng NBI at Chinese Embassy ay makakatulong sa NBI sa paglutas ng mga kaso na kinasasangkutan ng mga Chinese national.”