-- Advertisements --

Itinanggi ng Embahada ng China na nakabase sa Maynila ang mga espekulasyon sa umano’y outbreak ng bagong virus sa China.

Sa isang statement ngayong Biyernes, Dec. 3, tinawag ito ng Embahada na “fake news”.

Ginawa ng embahada ang paglilinaw sa gitna ng kumakalat na mga post sa social media hinggil sa umano’y tumataas na kaso ng human metapneumovirus (HMPV) na umano’y nagdudulot ng pagkapuno ng mga ospital sa nasabing bansa.

Base pa sa ilang post, nagdeklara na umano ang gobyerno ng China ng state of emergency.

Samantala, nauna na ring nilinaw ng Department of Health na walang reliable sources na sumusuporta sa kumakalat na mga posts sa socmed kaugnay sa umano’y international health concern at wala ding kumpirmasyon mula sa nasabing bansa o World Health Organization (WHO).